Sign guestbook  

110. eden - 2007-04-14 19:43:04
"Humanay kayo!" Ang sigaw ng opisyal sa mga bisita sa munting baryo sa bayan ng Pinabacdao. Habang nakatutok ang mga bukana ng mga baril sa amin...
Mga terorosta daw kami ’pagkat may dala kaming mga gamot, bigas at de lata para sa mga magsasakang apektado sa kapalpakan ni Palparan...
Tila butil ng bigas ang aming mga pawis at kabayong matulin ang kabog ng aming mga dibdib.
Ryempong wala kasing mga signal ang aming mga cell phone...
Ngunit ito’y biglang napawi pagkat biglang humirit ang opisyal nang "akala niyo magagaling kayo?!" Akala niyo kung sino kayo?!" at kung anu-ano pang mga salitang ’di mo maririnig sa mga mulat.
...Nang biglang tumunog and radyo... "brabo, brabo, clear na daw yan sabi ni Palparan... Konporm clear yan..." at pagkatapos ay namula’t nahilaw ang ngiti ng opisyal.at tila umurong ang dila...
Sa aming pagbalik sa Catbalogansa isla ng Samar, ginigisa pala si Palparan sa harap ng mga kongresista...

ito ay sa ala-ala ng mga biktima ni palparan sa isla ng Samar at mga kasapi ng IFSM...

109. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:38:18
ANO NA ANG BUKAS NG LUPANG ITO ?

Ano na ang nangyayari ano na ang nagaganap?
Sa lupang sinilanga´y ano na ang pumatak.
Kapalaran nitong baya´y bakit nilalamusak.
Kumukulo na ang mga tiyan, tuliro pa rin mga utak.
Habang nagsasaya itong mga tusong bayawak.
Nagpapasasa sa kaban, sa pwesto´y nagpapasarap

Kung ang ating baya`y, malaon nang nagugutom.
At sa tuwi-tuwina´y pangako ang pinalalamon.
At kapag nag-tanong sa pangakong di malulon.
Pilit na isusubo sa bunganga , ay bala at kanyon.
Saan na patutungo itong bukas na nilalayon.
Saang kangkungan pupulutin bukas nating layon?

May silbi ba ang liwanag ng araw sa bawat umaga.
Kung paningi ý nagdidiliryo sa labis na pag-durusa.?
Kung katarunga´y walang mukha sa kumpol ng mga luha.
Ano na ang wangis ng bukas na sa atin ay inihahanda.
Saan mamumulot ng sagot sa tanong ng mga bata,?
Ano ang kanilang kasalanan bakit ngayo´y nagdurusa,
Sa ibabaw ng tigang na lupang kanilang dinadakila ?

Sa hapdi ng bawat latay na naiiwan ng kanyang nakalipas.
Ay hapdi ng sugat na di maghilom sa bawat nyang magdamag.
Bangungot na kahit sa gitna ng nakasisilaw na liwanag.
Kapalarang kapara´y isang binulok at lusaw na pangarap.
Malabnaw na tugon sa matayog na alon ng ating hinagap.
Ng mga diyos sa lupa na nag-gapos ng ating mga palad.
Nagpalahaw sa ligaya sa ibabaw ng ating mga sugat.

Ano na ang bukas na darating sa lupa nating ito.
Kung sa kanya ngayong karamdama´y walang kumikibo?
Parang sakit na nakakahawa at walang makahipo.
Nagnanaknak na sugat ng sistema sa lipunan ito.
Bawat matang makapansi´y parang umid na yumuyuko.
Ikinahihiya ang kababuyang sa lupang ito´y uminsulto.
Kahihiyang buong-buong nakalukob sa ating pagkatao.
Kung gayon nga´y ano na ang bukas sa lupang pangako?
Epoy/02/06

108. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:37:32

107. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:32:34
LuMaLaBnAw Na uTaK nG mGa NaSa BaTaS

Anong uri mayroon ito, o utak na nagpapatakbo.
Kapara ay baliw na aso,kung makapag huramentado.
Maka-asta´y parang sino, wala atang laman ang ulo;
Unepormeng sakdal garbo, mukha namang berdugo
Panakot ng mga amo,sa nagmamaktol na mga tao
Mga robot ang itsurang de susing menamando.

Saan nga ba nalagay; utak ng mga nasa batas natin.
Kahit yaong mga pulis o mga sundalo pa man din,
Kung makasupil sila sa taong bayang nang-gigigil.
Walang habag pasintabi sa pag-papaangil ng mga pangil
Tingin sa mamamayan ´y walang halagang mga butil.
Maputol man mga buhay, walang kwenta sa damdamin
.
Sa panahon natin ngayon, na ang lipunan ay hapong hapo.
Sa walang sawang pangungubakob, nitong mga nasa trono
At pagpapatupad ng mga batas, na sa baya´y lumulumpo.
At kapag ang galit nitong masa´y, doon sa kalye irehestro.
Doon na nakaabang, utusang parang mga gutom na aso.
Nakahandang manlapa, ng mga laman natin at buto.

Kung makapang-habas ng kani-kanilang mga transyon.
Daig pa ang sinilihang puwit, ng nagwawalang mga maton.
Walang puso´t habag, wala na ring paki sa mga poon.
Marahas pa sa baliw na hayop,mga mata´y parang gutom.
Buong yabang na ibinabandila, dahas ng kanilang kampon
Nabubulok na institusyong sa kaibuturan ay dungol

Di kaya naiisip nitong may katiting na puso at kaluluwa?
Na kapag ang taong bayan, lagi at lagging nagpoprotesta.
At may mga hinaing silang sa reyna ay dapat ipadama.
Ay mayroong suliraning lumalaganap buong sa sistema.
At kung sa bawat tagumpay nitong bayan sa pakikibaka
Nakikinabang din sila at ang kanilang buong pamilya. ?
Kaya´t dapat mag-isip itong mga nasa batas natin.
Silang mga nanumpang magiging tapat sa tungkulin.
Tungkulin sa bayan at hindi sa mga mang-aalipin.
Mag-isip muna ng matino at buksan ang damdamin
Sa daing ng mamamayan at sa banal na hangarin.
Huwag agad nag-aalburutong parang mga walang sariling galing.

Epoy/02/06

106. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:25:09
MIGRANTENG PILIPINO
BAYANING WALANG DAMBANA

Migranteng Pilipino akong, may iba´t-iba ang mukha.
Ang dakila kong kasaysayan,laganap sa buong nilikha..
Nakakalat ang aking katawan, kahit saang mundo makikita.
Naghahabi ng pangarap,sa buhay na itong walang wala.
Makahango sa hirap, sa labis na pagdarahop makawala
Kaya´t lahat hinahamak,maging kamatayaý tinutuya.

Dahil sa angkin kong tangi, may pulso pa itong bansa.
Sa pabulusok niyang buhay, palad ko ang sumagka.
Makatindig ng bahagya kahit sa anyo nyang pa ika-ika.
Pampatawid gutom sa ekonomiya, ng mga sakab ay sinasalanta.
Kaya tinanghal na bayani,kahit palamuti lang ng dila.
Pakunswelo de bobo ng mga haring walang awa.

Ako ngayo´y naglalayag kahit saang sulok ng mundo.
Landas na walang katiyakan ang kapalarang hatak ko.
Ang tanging obra maestra ng aking pagka-tao.
Aliping nakikipamahay sa lupa ng mga dayo..
Bigyang aliw at ginhawa ang lahat ng may gusto.
Kapalit ng pangakong bahagyang dangal sa pagkatao.

Ako ay pilit itinaboy, sa lupa kong sinilangan.
Lakas ay puhunanin,ibenenta itong angking alam.
Sa lupain ng mga banyaga, kapalaran ay inilaan.
Dahil sa bayang sinilangan, dangal ay walang puwang.
Itinulak akong maglayag, upang maghanap ng dolyar.
Panlayaw sa utang na di kailan man pinakinabangan.

Subalit nasaan ang dangal na aking pinapangarap?
Bakit kapos ang bunga nitong aking pagsisikap
Sa aking pagpapagal, bakit paglingap ay di wagas.?
Ng mga may pakanang sa dayong bayan ay maglayag.
Ano na ang narating ng bayan kong kahabag-habag.
Saan na napunta ang laksang dolyar kong nai-ambag.

Kung sa ibang bayan, ang papel koy isang dusta.
Sa paningin ng mga panginoon, aliping walang halaga.
Sa bayan kong uuwian masahol pa ang kapara.
Bango ay amoy lamang, habang may laman pa ang bulsa
Ngunit sa panahong, kailangan ko na ng kalinga.
Daig pa ang basurang nakakalat, na walang nakapuna..

Ngayo´y ano ang kabuluhan, ng pagigi kong bayani.
Kung ang turing sa aki´y daig pa, ang mabahong pusali.
Matapos ang lahat ng aking, mga tanging ibinahagi
Naiambag kong kasaysayan, wala na ring silbi.
Habang reyna ay nagtatampisaw sa bunga ng aking ani
Migrante pa rin akong walang dambanang bayani.

Epoy/01/06

105. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:23:01
KAMI ANG BIKTIMA; KAMI PA RIN ANG MAY SALA;

Ano ang mayroon sila at kanilang nagagawa.
Laruin itong katarungan sa kanilang mga tuwa.
Sa palad nila´y nagsasayaw ang sagad na ligaya
Sa pagpapaikot ng katarungang pilit binabalasa.
Tusong nilalaro kapalaran nitong ating bansa.
Sa kanilang paghahari, walang wagas na pagdurusa.

Saan nakapanig itong timbangan ng katarungan?
Bakit nakapiring na paningin, sadyang may pinapanigan.
Ang mahabang karanasang sa lupang ito ay nagdaan.
Sa lahat ng aming pasakit, at kaapihang pinapasan.
Sa kamay ng mga naghahari at mga tampalasan.
Na sa pawis nami´y nagpapasasa, at sa aming mga pagpapagal.

Sa bawat himutok at paghihinagpis nitong aming diwa.
Sa lupit ng kapalarang mga sakab na ito ang may gawa.
Nangungunyapit sa poder na lumilikha ng mga pakana.
Nakangising naglalaro sa kapalaran nitong mga dukha.
Sa mga tuso nilang kumpas,yumuyukod na parang timawa.
Tagapag patupad nitong batas, tila mga di susing manika.

Kaya sa aming mga hinagpis at mga hinaing.
Sa kawalang katarungan ng lipunang ito,at pang-aalipin.
Pagyurak sa karapatang mabuhay ng manigning.
Walang maaasahang sa mga haring ito ay darating.
Silang may hawak nitong hustisya sa aming mga hinaing.
Biktima pa rin kami, ng madudugo nilang mga pangil.

Sino ngayon ang unang babato ng nakatutuyang sisi.
Sa panahong ito na walang puwang ang patas na sesti.
Sa huli nilang pagtatasa, kami parin ang lalabas na salbahe
At kung sa aming pagmamanikluhod, itong batas ay bingi.
Pangarap na katarungang, sa lupang ito´y malaon nang itinanggi.
Kung ngayon ang hanap na lunas ay iasa sa lakas ng sarili.

Epoy 04/06

104. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:22:35

103. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-13 22:18:47
ANG MGA REBOLUSYONARYO AY TULAD DIN NG TUBIG;

Siyang nagpapatid ng malalim nating uhaw .
Sa tigang na lalamunang sinasakal ng tighaw.
Nagbabaklas ng mga duming sa katawa´y umaapaw.
Nagbibigay kalinga sa mga hiningang may panglaw
Tubig itong elementong, pangarap na kaulayaw.

Magmula sa langit, inatasan ng bathala.
Dumaloy sa mundo at ihandog ang pagpagpapala.
Haplusin ang daigdig ng kanyang kalinga.
Kalingain ang lupang tigang sa panatang,
mag-angkin ng lakas,mag-usbong ng pag-asa.

Mula sa kabunduka´y humahaplos sa mga halaman.
Bumabati sa mga bundok at kung anong kalikasan.
Dumadaloy sa mga sapa at lahat ng batisan.
Sa lagaslas na maamo, bumubulong sa mga pangpang.
Bumabaklas sa mga lumot at sa lahat ng mga hadlang.

Magmula sa mga batis, dadaloy sa mga ilog.
Sisikaping mababagtas ang lahat ng palibot.
Magbibigay ng pag-asa sa mga kaluluwang nalimot.
Isama sa panatang palayain, ang mahabang himutok.
Mga tigang na puso, muling sa buhay ay maghandog.

Kahit anong sagka ang sa kanya´y iharang.
Mataas man na pader o mga batong hambalang.
Tibay ng damdaming, aakyati´t maigpawan.
Ang lahat ng pagsubok, na sa pusoy nagwiwindang.
Panatang haharapin, ang lahat ng kahirapan.

Tulad din ng tubig, hangad ay pagsulong.
Sa lahat ng panganib, kahit saan pa masuong.
Laman sa isipang, tanging sa puso´y nilalayon.
Marating ang dagat, at lumikha ng heganteng alon.
Gigiba sa lipunang, pinagpipistahan ng mga buhong.

Ang mga rebolusyunaryo´y, tubig din ang kapara.
Layuni´y maglinis, sa lahat ng dumi at basura.
Dumi ng lipunang, kay tagal ng nagsamantala.
Sa lupa nating itong malaon nang nagdurusa.
Sa lupit ng mga mikrobyong, silang may pakana.

Kaya kahit anong dahas, ang gawin nilang pagpigil.
Hanggat mayroong landas na sa layon ay napipisil.
Bubuhos ang hangaring,dumaluyong sa landasin.
Malinaw na panatang,susulong sa mithiin
Hanggat may pagsasamantala, at may panunupil.

Epoy04/06

102. eden - 2007-04-13 17:58:09
Sa gitna ng dilim tayo dapat ay lumakad.
Upang tunguhin ang makikipot na daan
Tungo sa pusi ng mamamayan...
Matarik, matalahib at mapanganib ang daan...
Kaibigan handa ka bang ito’y puntahan?
Wari ko’y ito ay kaya mo.
Tulad nina Emanuel at iba pa
Na ang tanging hangad ay bigyan katuparan ang hangad ng iba.
Nakakaantig kung iisipin,
na sa bawat yapak natin patungo sa kanila’y
pag-asa ang dala...

ayan paki-kritik. senxia minadali ang unang pagkakapost...

101. romy quiao - 2007-04-13 06:07:55
nawawala ang essence ng bisaya pag tinagalog.....
pasensya na po....

    Sign guestbook   < Page 12 | Page 10 >

Webmasters, Click here to get a free guestbook!    

Remove all the advertisements
from this guestbook!

- LIMITED OFFER -

  Please report if this guestbook contains illegal or offensive content.