Sign guestbook  

120. eden - 2007-05-10 11:25:51
ano ang silbi ng sundalo?

ang mga sundalo tunay nga namang mga berdugo...

tagapagtanggol ng katiwalian at tagapagpalaganap ng takot at karimlan...

di mo na lang mamamalayan ika’y biglang sasaklutin sa pagkakahimbing...

upang sa gitna ng dilim puri ay halayin at kataway lagasin...

di ko lubusang maintindihan kahit arukin ng aking isipan kung saan nila hinuhugot ang ideyang paupuin ang isang tao sa bloke ng yelo...

kundi ma’y kuryentehin ang bayag at pagkatapos isa isang tanggalin ang kuko sa mga paa at kamay habang isinusubsob sa isang drum ng tubig...

saan nga ba? papaano nga ba? bakit nga ba nabuhay ang mga taong tulad ni Palparan na tagapagtaguyod ng kauutusan ni Gloriang mas hamak na magaling sa kalokohan?

ngayon, pano na nga lang ba ang kanilang mga dinukot? ang mga desaparasidos?

buti na nga lang sina bebot borja, ka satur at ka bel ay di kinanti ng husto na tulad ng ginawa kanila eden marcellana, eddy gumanoy at maraming mga pangalang nakalista...

mistulang litaniya na nga siguro kung tutuusin ang mga pangalang walang taglay na mukha, kung di ma’y ulong hiwalay sa katawang makapagbibigay sana ng tanda...

sa huli, ano nga ba ang silbi ng mga sundalo ng rehimeng ito? kung ang kanilang iniiwang marka ay patay na katawan na may balang naka-ungot sa sentido o di nama’y combat boots sa likod at dibdib ng mga tao?


bok, testing lang ito. pwede pa kritik? hehe... salamat...



119. Kim - 2007-05-05 10:10:15
Noong gabing may tampo ang buwan
ni; Kim

Natakot ako
Noong binanggit mo ang pagsisi.

Ang pakiramdam ko kasi;
Ako ang mas higit na magsisi
Sa huli.

Ako,
At mas ako
Kesa sa ikaw.

Natatakot na balang araw,
Kasasabikan ko na lamang ang iyong yakap
Ang mga gabi ng pareho nating paghahanap
Ng kung ano ang mayroon sa dilim at liwanag

Kung kailan ang masaya ay kuntento
At ang kuntento ay masaya.

Sa mga gabing
Pareho nating sinimulang kalikutin
Ang anumang maselan
Sa ating isipan
Pati na ang sa ating mga damdamin.

Sa mga sandaling,
Sa bawat nating tigil
Parehong ngingiti.
Kikiligin.
Parehong magpapakawala ng gigil.

At sa mga mga sandaling
May isa sa atin ang magtatanong
At ito ay sasagutin
ng isa pang tanong.

At Sa huli,
Ako rin, at Ikaw ang manghihipo
...ng sagot sa bawat tanong.
Dahil nga,di maikakaila ang pareho
nating pagkalito,
sa bawat nangingiming tanong
na di kayang sagutin ng basa nating labi
At oo nga sa huli,
Ang lalamunang natutuyo’y hahantong na lang
----Sa pinagsasaluhan nating isang
basong tubig.
Upang doo’y ituloy
ang tangkang pakikipag-niig.


Ngunit ang pagsasalo natin sa bawat gabi’y
saan nga ba hahantong?

Uulit-uulitin ba natin?

Ngayong may tampo ang buwan.
Habang hinahagilap
Sa araw,
ang kanyang liwanag.
Inuusig ng sariling pagdadamdam.

Siya man ay nagtatanong din;
na bakit di gaya ng tala
siya ay walang kislap?
At ikinukubli pa ng ulap
Ang natatangap at natitira
niyang liwanag.

At ako ito;
sa umaga kumakalayod din ang pananabik.

Ang buong araw ko ay paghihintay din
na matupad ang hiling;
Na ang pag-ibig mo ay tuluyan ding maangkin.

Pero sana noong mga gabing may tampo nga
ang buwan.
At ginawang kumot natin ang dilim
Iyo ring nalaman
Na ang kasabika’t takot mo
... ay higit na akin din.

Ako lang ba o Ikaw?
o magkasama tayong hahalik
sa sandaling may badya
ang ulan, unos o ang daluyong
At sa oras na ang liwanag at dilim
Ay muli ring magtalik
Ikaw ba ay makakapiling
Sa bawat umagang dadating?

-Kim-






118. frankie - 2007-04-29 03:57:14
Isang tula para kay kasamang Beth Nuyad
Ni; Frankie del Rosario
(
Si Maam Beth,ay organisador ng mga labor
unions sa hanay ng empleyado ng pamahalaan.
Hanggang sa kanyang kamatayan nagsilbi siyang
Tagapagsalita ng COURAGE-SMR)

Ginupo man ng kanser ang iyong dibdib
Ang tapang mo’y di nagmaliw
na kahit sa mga araw ng ligalig
at sa mga sandali ng iyong dalamhati
nagpatuloy ang alab ng iyong mithi;

…labanan! Puksain ang Kanser
na malaon ng kumapit
sa mga sakahan, sa pagawaan
nagluwal ng mga abang paslit
sinalanta maging ang kinabukasan
namumuksa,
lumalala,
pumapaslang!
Sakit ng nabubulok na sinanapupunan
Ng lipunang malubha rin ang karamdaman.

Kahit ginupo man ng kanser ang iyong dibdib
ang tapang mo’y di nawaglit
Ang naramdaman mong kirot
ay sugat din ng bayang dinayukdok.
Babae kang hindi nagkasya na lang sa pagluluksa.
Ina kang ang mga api ang kinalinga
...hindi lang sariling mga supling ang inaruga.
Asawa kang may pag-ibig sa Bayan.
Lider kang tumindig sa bawat karapatang nilapastangan
Kasama kang nagsilbing huwaran.

Kasamang Beth,
Hindi ka ginupo
Ng lipunang malubha ang Kanser.

Mananatili kang buhay
sa aming mga ala-ala,
pagkat ang paglimot sa ating laban
ay isa ring kataksilan.










117. Francisco Monteseña - 2007-04-24 07:32:46
Danak
Ni Francisco A. Monteseña


Nang mahabi ang pahiwatig
malinaw na lumabas ang kalatas;
Nasa pag-agos ng dugo
ang katubusan ng pagkabayani.
Sa talinghaga ng pagkamatay
mabubuhay ang ningning
ng nangyaring pakikibaka.
Nandito ang liriko ng paglaban;
Sa timyas ng pakikipagbuno
sa dilim, sa tahak ng lagim.
Kung dugo ang aantala
sa dumarating na buntala,
kaysarap mamatay,
anong sarap mamatay!
Kung ang hulagway ng pagsuway
ay nasa pagkitil sa buktot at sugapa,
dugo ay kaytamis idilig sa lupa.



" target=_blank>116. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-16 23:15:40
SAMO AT PAHIWATIG NG MGA BAYANI



Samo namiy pakinggan itong aming pahiwatig.

Mga kaluluwang katawa´y winasak na dibdib.

Ng pangil ng mga asong gutom sa paninibasib.

Sa mga damdaming nag-hangad ng matuwid

Pagnanasa ng sakim, lagasi´y pag-ibig na tumigib.

Pagmamahal sa bayang pinaka langit-langit.



Ngayo´y laksa na itong nalagas sa kawalan.

Panata ay inagaw sa lupang tigang sa katarungan.

Na tanging kasalana´y magmahal sa bayan.

Naghangad ng lunas sa tiwaling kaayusan.

Diwa ay binusalan ng tingga ng kamatayan.

Sa takot na lumaganap itong apoy ng katarungan.



Samo namin ngayon sana ay masdan naman ninyo.

Ang lunos na larawan ng lupain nating ito.

Nagmistulang bilangguang walang maaaring kumibo.

Pinugtong mga hininga ang katumbas na pangako.

Sa bawat maglalantad ng kanilang mga baho.

Mga kabulukang sa bayan nati´y sumisiphayo.



At kung ang mga anak na tulad mo ay sadyang mananahimik.

At magbubulag-bulagan sa lumalaganap na lupit.

Sa panaghoy nitong lupang tinigib ng hapis.

Kailan magwawakas ang pangingibabaw nitong pait.

Laya mo´t katarungang malaon nang nilulupig.

Pamanang bukas sa baya´y walang liwanag na langit.



Ngayong aming mga katawa´y tuluyan ng malulusaw.

Unti-unting sasanib sa lupang natigang sa laya at layaw.

Inagaw ng hayok na bangis sa matayog na palahaw.

Hustisya sa kalayaang buong panahong nilalabusaw.

Aming panata at pangarap sa baya´y mananatili n´yong kaulayaw.

Liwanag na gagabay sa landas ng inyong mga galaw.



Kaya ang samo nitong aming mga kaluluwa.

Damhin ang pag-ibig at ang aming panata.

Igiit ang katarungan para sa bayang dinudusta.

Kalayaang pinangarap ihandog sa abang lupa.

Kasaganaha´y isabog sa mga kapatid na kawawa.

Itakwil mga huwad na lider nitong minamahal nating lupa.



Epoy/06/06



" target=_blank>115. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-16 23:05:24


OO, MANG IGME MALAYA KA.

(Sagot sa tanong ni mang igme kung tayong mga

Pilipino ba ay may tunay na kalayaan )



Di nga ba´t Malaya na tayong, walang pagkukunwari?

Sa buong mundo minsang itinambol ang ating pagsasarili.

Sa kamay ng mga dayuhan tayo´y mga nagsipagbunyi.

Pagkat laya ay ibinigay,kapalit ng kung anong siste.

Santambak na kasunduang sa leeg natin ngayo´y nagbibigti.

Kasabwat ng mga huwad na lider nitong bayan nating api.



Oo; ngayon nga ay Malaya kang ,walang duda at pagtatangi.

Malaya kang sa piling ng mga pangarap ay todong mamighati.

Sa kasawiang sinapit nitong lupa at buo mong saling-lahi.

Malayang laruin sa isipan ang kapalaran mong sawing-sawi.

Sa kawalan ay Malaya ka ring itanong kung ano ang mga sanhi.

Ang iyong kalungkuta´y malaya mo ring ipag-kunwari.



Oo, Malaya ka, Malaya kang sumigaw sa buong sanlibutan.

At ipagsigawang ang lahi mo´y maroong kalayaan.

Kalayaang yumukod at sumunod sa mga dayuhan.

Sa kanilang mga mga pakana at mga katuwiran.

Kahit na duraan at babuyin ang lahi mo at buong angkan.

Malaya kang lumuhod kapag sinabing wala silang kasalanan.



Oo malaya ka, malaya kang maglubid ng mga pagkukunwari.

Magkunwaring malaya sa gitna ng mga pang-aapi.

At tanggaping ang lipunang ito ay isang katangi-tangi.

Magmistulang masaya, kahit bituka´y hapding-hapdi.

Malaya kang tanggapin ang kanilang mga pakana at gawi.

At purihin silang, bumubula sa gutom ang iyong mga labi.



Malaya kang sumayaw, sa kumpas ng kanilang mando.

Kapag dinikta nila ang hindi pantay na tratado.

Malaya kang ipamigay, ang lahat-lahat ng yaman mo.

Sa dangal ng ibang lupa,Malaya kang magsakripisyo.

Ang kanilang mga pagkukunwari, at lahat ng panloloko.

Malaya kang tanggapin, kapalit ng dangal ng bayang ito.



At kung nakikitang ang mga anak mo´y buto´t balat.

Dahil sa kawalan at labis na paghihirap.

Malaya kang impitin ang hapdi nitong mga sugat.

Galit sa dibdib ay malayang pigilin ang sakdal na bigat.

Parusa sa lahing ninanakawan ng laya´t ulirat.

Para sa kasaganahan ng mga mandarayang magkakasabwat.



At kung sa wakas, ay hindi mo na kaya.

Maglaro sa pantasyang, ikaw ay malaya.

Na di mo kayang magkunwaring, itong bukas ay may pag-asa.

Sa paghahari nitong mga nag-aastang diyos sa lupa.

Malaya kang mamili, ng landas at iyong mga pasya.

Kung ang bukas ba nitong bayan; sa kamay ng iilan ay ipaubaya?

O hangaring sa pang-bubusabos nitong dayo, ay tunay na lumaya.





Epoy/05/06





" target=_blank>114. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-16 23:04:57


OO, MANG IGME MALAYA KA.

(Sagot sa tanong ni mang igme kung tayong mga

Pilipino ba ay may tunay na kalayaan )



Di nga ba´t Malaya na tayong, walang pagkukunwari?

Sa buong mundo minsang itinambol ang ating pagsasarili.

Sa kamay ng mga dayuhan tayo´y mga nagsipagbunyi.

Pagkat laya ay ibinigay,kapalit ng kung anong siste.

Santambak na kasunduang sa leeg natin ngayo´y nagbibigti.

Kasabwat ng mga huwad na lider nitong bayan nating api.



Oo; ngayon nga ay Malaya kang ,walang duda at pagtatangi.

Malaya kang sa piling ng mga pangarap ay todong mamighati.

Sa kasawiang sinapit nitong lupa at buo mong saling-lahi.

Malayang laruin sa isipan ang kapalaran mong sawing-sawi.

Sa kawalan ay Malaya ka ring itanong kung ano ang mga sanhi.

Ang iyong kalungkuta´y malaya mo ring ipag-kunwari.



Oo, Malaya ka, Malaya kang sumigaw sa buong sanlibutan.

At ipagsigawang ang lahi mo´y maroong kalayaan.

Kalayaang yumukod at sumunod sa mga dayuhan.

Sa kanilang mga mga pakana at mga katuwiran.

Kahit na duraan at babuyin ang lahi mo at buong angkan.

Malaya kang lumuhod kapag sinabing wala silang kasalanan.



Oo malaya ka, malaya kang maglubid ng mga pagkukunwari.

Magkunwaring malaya sa gitna ng mga pang-aapi.

At tanggaping ang lipunang ito ay isang katangi-tangi.

Magmistulang masaya, kahit bituka´y hapding-hapdi.

Malaya kang tanggapin ang kanilang mga pakana at gawi.

At purihin silang, bumubula sa gutom ang iyong mga labi.



Malaya kang sumayaw, sa kumpas ng kanilang mando.

Kapag dinikta nila ang hindi pantay na tratado.

Malaya kang ipamigay, ang lahat-lahat ng yaman mo.

Sa dangal ng ibang lupa,Malaya kang magsakripisyo.

Ang kanilang mga pagkukunwari, at lahat ng panloloko.

Malaya kang tanggapin, kapalit ng dangal ng bayang ito.



At kung nakikitang ang mga anak mo´y buto´t balat.

Dahil sa kawalan at labis na paghihirap.

Malaya kang impitin ang hapdi nitong mga sugat.

Galit sa dibdib ay malayang pigilin ang sakdal na bigat.

Parusa sa lahing ninanakawan ng laya´t ulirat.

Para sa kasaganahan ng mga mandarayang magkakasabwat.



At kung sa wakas, ay hindi mo na kaya.

Maglaro sa pantasyang, ikaw ay malaya.

Na di mo kayang magkunwaring, itong bukas ay may pag-asa.

Sa paghahari nitong mga nag-aastang diyos sa lupa.

Malaya kang mamili, ng landas at iyong mga pasya.

Kung ang bukas ba nitong bayan; sa kamay ng iilan ay ipaubaya?

O hangaring sa pang-bubusabos nitong dayo, ay tunay na lumaya.





Epoy/05/06





" target=_blank>113. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-16 22:58:50
OH, BAYAN KONG PILIPINAS.



Oh, bayan kong Pilipinas,

lupa ka ng luha at aking mga pangarap.

Luha sa pusong laon nang pumapatak.

Sa latay ng lupit na sa iyo´y dumadanas.

Makulimlim itong diwang lagi nang naghahangad.

Sa kamay ng mga dayo tuluyan nang maka-alpas.

Makita ang laya sa sarili mong mga palad.



Oh, bayang minumutya nitong puso.

Lupa at dagat mo´y sakdal siphayo.

Sa lungkot at hapis na sa iyo´y tumutudyo.

Habang tuwa at galak sa mga mandarayo.

Nakangising sinisipsip ang ganda mo´t bango.

Ang laya mo at yaman sabay sabay na inilayo.

Sa piling na mga anak at lahi mong kasuyo.



Oh, bayang nililiyag nitong diwa.

Sa mga pangarap larawan mo ang nakikita.

Ang iyong labis at walang hanggang pagdurusa.

Sa kamay ng iilan ganda mong sinasamantala.

Sa lupit at dahas mga anak,ngayo´y nagdurusa.

Ninanakawan ng yaman at tamis ng laya.

Bawat bukas na madilim sa lupa mong kawawa.



Oh, bayan kong Pilipinas, lupa ka ng mga bayani.

Lahing nagtatanggol sa lahat ng mang-aapi.

Sa harap ng dahas nitong mga walang budhi.

Mapanlinlang sa isip ng bayang atubili.

Kailan magwawakas, matatapos itong hapdi.

Hanggang saan matatapos ang mahabang pagtitimpi.

Kailan sa wakas babangon bayang sakdal api.



Oh; bayang nililiyag nitong puso .

Lupa ng pangarap at aking pag-suyo

Sakdal gandang maging dayo´y natutukso

Langit, dagat, lupa at maging wika mo.

Binusabos nang lahat kinamkam ng buong buo.

Laya moy kahulugan ng aming lahi at pagkatao.

Tamis sa puso ang mamatay nang dahil sa iyo.



Epoy/05/06





" target=_blank>112. felipe unlayao (EPOY) - 2007-04-16 22:51:58
ABAW;GINANG NA GLORIA

Abaw ginang na Gloria, nangungulekta ka ng grasya.
Itong sambayanang Pilipino, punit-punit na ang bituka.
Wala nang mangata. Wala pa rin silang laya.
Bukod tangi kang pinagpala ng iyong mga tapat na tuta.
Upang bendisyunan mo ang kanilang mga himala.
At pagpalain din naman nila ang iyong mga pakana.

Santang Gloryang ina ng awa, awang hindi makawala.
Sa dibdib mong nakasara sa daing nitong masa.
Pakinggan mo sana kami sa aming pag-aalsa.
Upang hindi na tuluyan sumambulat pa itong diwa.
Ihandog mo sana sa amin ang iyong pagkukusa.
Isuko ninakaw mong resulta, ng aming pagpapasya.

Inang pina-panginoon ng mga sipsip na linta.
Kapit tukong sinasamba ng mga mapagsamantala.
Lingunin mo rin sana kaming mga walang wala.
Mga kinatasan nyo ng dugo´t pinipigaan ng bulsa.
Pinagtampisawan ng kapritso at ng inyong mga tuwa.
Kaya´t ngayon sa kamay nyo´y nagmukhang timawa.

Inang nag-papakalangit sa kanyang pantasya.
Laging tiklop-tuhod sa mga kanong nagpapasya.
Nag-lalako nitong bayan sa mga dayong kapitalista.
Kapalit ng sigurong kanya ang kanilang suporta.
Sa pagsasalamangka nitong kapalaran ng bansa.
Unawain mo sana ngayon, kung bakit kami´y nagwawala.

O walang habag na ina, kami sa iyo ay nagsusumamo.
Upang maputol na itong buhay na sakdal siphayo
Iabot mo sa amin ang iyong kusang pagsuko.
Mahabag sa sambayanang, pag-asa-sa iyo´y guhong-guho.
Sa lahat ng iyong mga pangakong puro panluluko.
Kaya ang taong bayan ngayon, nag-aalsang parang bagyo.



Epoy/01/06
.

111. Frankie del Rosario - 2007-04-16 04:53:45
Inday Grecil

Saksi ang naulilang sapa
Noong lumisan ka.
Ang kanilang mga balak
Ang nagpaitim sa tubig
Kaya’t doo’y di ka na nakapaglaro.

Tumakbo kang papalayo sa sapa
Pabalik sa nira-ratrat na dampa.


Nag-alala ka.

Di mo nabatid,
Wala na roon ang iyong ama’t ina
Wala na rin doon ang iyong mga kapatid.
Di mo na sila naabot ng iyong yakap.
Di na rin nila nayugyog ang iyong
pag-aalala.

Sapagkat bumaon sa lupa
ang iyong mga yapak.
habang ang mga punglo
ay humagibis sa iyong siko
at ang isa’y dumurog
sa mura mong bungo.

Inday Grecil,
Noong bago ka tuluyang paslangin,
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.


Sila na may maitim na balak,
Mga berdugong nag-piyesta sa iyong bangkay
Isang ripple ng M-16
na halos kasing-taas mo
Ang sa iyo’y pilit pina-angkin
Upang ituro ka bilang salarin.

Inday Grecil,
Kung sakali mang dumaing ka
Bago ang bungo mo’y pasabugin
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.

Ngunit, ayaw nilang mabuhay ka.

Dahil saksi ka laban sa kanila
mga berdugong humihiklas ng hininga
at pumapaslang ng mga pangarap
Ng maraming Ama at Ina
At ng gaya mong bata..



(Si Grecil Buya ay siyam na taong gulang noong siya ay paslangin ng mga militar ng 1001st IB ng AFP sa Purok 5, Brgy, Kahayag New Bataan, Compostela Valley noong ika 31 ng Marso, 2007. Ilang araw lang pagkatapos ng kanyang graduation sa Grade 2 sa Simsemin Elementary School kung saan siya kinilala bilang isa sa pinakamahusay na estudyante at most neat. Ngunit ayon sa militar, siya diumano ay isang batang-mandirigma na kasapi ng New
People’s Army. Patunay nito, ayon sa militar ang isang M16 na itinutok sa kanila ni Grecil kaya nila ito binaril.)

    Sign guestbook   < Page 13 | Page 11 >

Webmasters, Click here to get a free guestbook!    

Remove all the advertisements
from this guestbook!

- LIMITED OFFER -




  Please report if this guestbook contains illegal or offensive content.