Sign guestbook  

130. maya - 2007-10-11 02:20:33
"cookie jar"
is there still something
to make me believe
that there is a part
left unsold?
i had bared my arms
to the engine’s heat
and breathe of the
pullutes it exhausts...

i had invited death
but went through
the 8 hours
without looking him
in the eye.

i shall be well...
i had to be,
ignoring the moments
when i find myself
locked in the same space
where they keep the capital.

" target=_blank>129. Francisco Arias Monteseña - 2007-10-10 05:57:23
Wala Nang Tamis Ang Tubo (Pangarap Sa Hacienda)
Francisco Arias Monteseña


Hinayaan kong buhayin
ng aruga ang tubuhan.
Mula sa maliit na halamang
pinagyabong ng kagustuhang
ito ay tumaas, lumaki, maging ganap.
Nalalanghap ko pa ang kabuhayang
sa akin ay ibibigay,
na bunga ng pagsisikhay
mula sa lupang hindi kailanman
naging akin, kalian magiging akin?

Sa tuwing maiisip
na matamis ang bunga, ang katas
ng aking sinimulang pagpaguran,
nawawala ang pagal,
naaalis ang pangambang isang araw,
ang lupa ay babawiin,
tubuhan ay di na magiging akin.

Nakikibungkal lamang ako, nakikitanim,
nakikiamot sa ani.
Dito lang ako namalagi,
Sa pag-aakalang isang araw
magiging totoo ang pangako ng gobyerno.
Na ang lupa ay mapapasaakin.

Ang tagal nang naghihintay,
Di na iaasa sa kapalaran
ang kaganapan ng pangarap
Sama-samang kumilos ang lahat
na ganito ang hangad.
Binuklod na layuning
Biglang hinarangan ng baril.

Kaganapan ng pangamba.
Sigawan, tulakan,
Talakan, hiyawan
May isang lumalaban sa katwiran
May isa raw naghahangad ng kapayapaan.

Kaya ba ang bala ang iniharang?

Tapos na.

Isa nang katawang walang buhay
Kinapos ng hininga
Inagawan ng pangarap,
Tamis ng tubo’y di na malalasap.

Kasama ko sa hukay,
Bala at pangarap.

11/18/04

128. Francis Montesena - 2007-09-18 02:56:49
Bandolero
Ni Francisco A. Monteseña



Mga bubog marahil
ng nabasag na mithi,

at dugong tumagas
ng sawing pakikihamok

ang siya mong nakikitang
nakasabog sa kalsada;

nakasambulat na sumbat
ng nagaping pakikilupig

sa hambog at mataas.
Mali kayang ilahad ang dalumat

ng pakikipaglaban?
Huwag sanang sabihing

buhaghag ang layong
maging pantay ang apak ng lahat.

Kung magkagayon, tama lamang
na higpitan ang kapit sa baril;

tama lamang na hayaang maging pantay
ang talas ng patalim at layunin;

At hamunin ang along hindi napipigtal
ang ragasa sa dalampasigan.

Sa pagtutol, may imbing mapuputol,
may sukab na masusukol.

127. - 2007-08-13 19:11:28
OPERASYON “BANTAY LAYA“ ala GMA;

At sa paglambot ng aming budhi
Ang aming panata´y lalong sumidhi.
Ang habag na sa pusong namumutawi
Nagpatigas sa paninindigang di pagagapi.
Dahil sa habag sa lupang binabayo ng pighati

Kaya sa aming pag-ibig ay may nagtampo.
At ng namanata sa bayan utak niya ay nagulo.
Ang reynang sa truno´y baliw nagpapakaluho.
Nagwala ng kami sa bayan ay nahabag ang puso.
Reynang nabangis at ang utak ay nag alburuto.

Dahil ang layon ng reyna ay bantayan ang laya.
Laya niya at luhong sa kaban ay magsamantala.
Layang lokohin, nakawan ang bayang inaalipusta.
Layang sa mga dayuhan ilako itong ating patrimonya.
Reynang nagtataksil sa sariling angkan at lupa.

Kaya ang bantay laya ay lalong pinatindi.
Nang hindi magwagi ang unang pasakalye.
Bantay laya una, sa maraming puso ay nagpahikbi.
umulila sa mga pusong nilagasan ng lahi.
Mga ina,ama, mga anak lumuluhang may dalamhati.

Kaya ngayo´y mas mabangis na bantay laya ikalawa.
Mas matalas na pangil ipampapatay sa demokrasya.
Bayang lugmok na´y lalo pang ipalalapa.
Sa batas na mabangis sandata ng diktadura.
Ipanghahagupit sa bayang nasabik sa paglaya.


Epoy31/6/07

126. - 2007-08-04 23:00:37
HINDI LAGING KANILA ANG UMAGA



Anong pinag ngangak-ngak ng unanong pandak.
Parang baliw na lorong putak ng putak .
Kahit alam na walang kahulugan ang mga dinadakdak.
Pilit nag nagkukunwaring matino ang kanyang utak.
Puro bulang pangako sa bayan ay nilalagak.

Dapat daw maging halimbawa tayong mga pilipino.
Sa pagsasakripisyo para sa pag-unlad ng bayang ito.
Maghigpit daw ng sinturon kahit utak matuliro.
Sa pagkakatirik ng mata sa gutom daw huwag patatalo.
Sapagkat tayo daw mga Filipino totoong mga maginoo.

Kaya ang panawagan nitong hangal na bansot.
Sa pagtitiis tayo´y dapat na masubok.
Kahit bawat araw, bawat lumipas ay lugmok.
Bayang nagtitiis, sa pangako ay mabusog.
Habang itong lupa´y pinagpipistahan ng mga salot.

Ka kanilang kasakiman tayo´y nagdurusa,
Sa kanilang karangyaan tayo´y nagluluksa.
Sa kanilang katusuan tayo´y ginagawang tanga.
Karapatan at patrimonya nati´y kanilang ginagahasa
Ngunit ang tiyak natin, hindi palaging kanila ang umaga.

epoy

125. - 2007-06-29 22:02:44
mga nawala at mga nagwawala sa ating lupa

Wala na si Rey Cortes,pugot na ang mga pangarap.
Para sa pamilyang simple lang sana ang hanap
Doon sa mainit na lugar malayo sa paglingap
Ng mga maginoong embahadang makukupad at tamad.
Walang layong magtanggol ng mga kalahing hinahamak.

Wala na rin ang mga tumistigo sa halalang madaya,
Kumalat na rin sa kawalan ang malinis niyang panata.
Dinukot sila dahil inilantad ang mabangi na mga pakana.
Sa Mindanao ang kabayanihan nila´y nilamog ng mga buwaya.
Upang huwag silang pamarisan ng iba pang nais sumagka.

.Marami na ang naglahong mga katulad nila.
Mga nangarap ng buhay at lipunang maaya.
Subalit sa panahon ngayon bawal ang mga tulad nila.
Sagabal sila sa paghahari nitong mga mapagsamantala.
Mga sukdulang pumapatay mawala löamang sila sa mata.

At itong Lintang Bedol ay bigla ring nawala.
Kung saang kangkungan nagtago tila walang nakapuna.
Maliban sa mga may pakana ng mga pandaraya.
Mga among handang pumatay sa ngalan ng balota.
Sa katatagan daw ng kanilang angking demokrasya.

At marami ring maglalahong katulad ng mga linta.
Nagpapagamit sa among sa bayan ay maminsala.
Kabayarang posisyon ang kapalit na nasa.
Kaya sa galit ng tao bigla na lang nawawala.
Saka na lang lulutang kapag ang gusot ni amo ay naplantsa na.



Epoy06/29/07


124. - 2007-06-26 20:47:10

IKAW NA MAY MAHABAGING PUSO

Sige tumanga ka at magsawalang kibo.
Habang ang lahi mo´y sa hirap ginugupo.
At sa ligaya´y humahalakhak ang mga tuso.
Habang ginagahasa ang yaman ng bayan mo.
Lahi mong tinatangi´y timawa hanggang apo.

habang nilalapa nila ang natitira mo pang laman.
At nagpapakalango sila sa yaman ng iyong bayan.
Huwag nang kumibo habang tiyan ay kumakalam.
Mahabag sa sarili ngunit huwag na huwag makialam
kahit itong buong lahi´y pambayad sa kapabayaan.

Tiisin mong naglalangitlit ang iyong lalamunan.
Sa labis na uhaw sa tunay na katarungan.
Habang nilalason ang mga ilog mo´t karagatan.
Para sa limpak na tubong kanilang makakamkam.
Pinsalang gumigiba hanggang sa iyong kinabukasan.

At kung nahahabag ang iyong puso ay sige lang.
Sa labis na gutom at walang patid na kahirapan.
Gayong nasa lupang ito ang tunay na kayamanan.
saganang sasapat sa lahi kung hindi kinakamkam.
Ng mga naghaharing umaalipin sa iyong bayan.

At kung kaya pa ng iyong dibdib ay sige lang at purihin.
ang kanilang pang-aabuso at tusong pagmamagaling.
Magpagamit sa layun nilang sadyang imbi at sakim.
Kahit ang kapalit ay kinabukasan ng bayan natin.
At ang apo ng mga apo mo´y alipin nilang ituturing.

.
Epoy 06/17/07



123. - 2007-06-17 20:51:16

HINDI LAGING KANILA ANG UMAGA



Anong pinag ngangak-ngak ng unanong pandak.
Parang baliw na lorong putak ng putak .
Kahit alam na walang kahulugan ang mga dinadakdak.
Pilit nag nagkukunwaring matino ang kanyang utak.
Puro bulang pangako sa bayan ay nilalagak.

Dapat daw maging halimbawa tayong mga pilipino.
Sa pagsasakripisyo para sa pag-unlad ng bayang ito.
Maghigpit daw ng sinturon kahit utak matuliro.
Sa pagkakatirik ng mata sa gutom daw huwag patatalo.
Sapagkat tayo daw mga Filipino totoong mga maginoo.

Kaya ang panawagan nitong hangal na bansot.
Sa pagtitiis tayo´y dapat na masubok.
Kahit bawat araw, bawat lumipas ay lugmok.
Bayang nagtitiis, sa pangako ay mabusog.
Habang itong lupa´y pinagpipistahan ng mga salot.

Ka kanilang kasakiman tayo´y nagdurusa,
Sa kanilang karangyaan tayo´y nagluluksa.
Sa kanilang katusuan tayo´y ginagawang tanga.
Karapatan at patrimonya nati´y kanilang ginagahasa
Ngunit ang tiyak natin, hindi palaging kanila ang umaga.

epoy

" target=_blank>122. Francisco Monteseña - 2007-05-25 03:41:49
Panahunan
ni Francis A. Monteseña 5/25/07



Ang panahon ay kakatwa ngayon.

May umagang nakataklob ang dilim.
Tila gabing maalinsangan
at ang araw ay nakakubli sa kungsaan.
May igting ang ihip ng hangin,
bumabayong parang bagyo,
humuhuni ng delubyo,
isinisikad ang pagkasiphayo
sa mga lansangan, niyayanig
ang lahat ng nakapinid.

May tanghaling
di makapagyabang ang sikat.
Bantulot na dagling sisilip
at agad magkukubli ang liwanag.
May takot kaya’t di ilantad ang init...duwag

Sa gabi;
May sumisigaw ng pananagumpay
Sa oras na ito nabubuhay ang mga matatapang.
Sa piling ng mga artipisyal na kutitap.
Sa ganitong panahon lamang ligtas
ang lahat nang natitigib sa panaginip.
Ay! panahong di na malirip.



121. Kiko montesena - 2007-05-21 06:17:42
Bantay

“Nellie Banaag and Leticia Ramos died in a fire set off by five gunmen wearing bonnets who poured gasoline on ballot boxes and set them ablaze. They were found hugging each other in a toilet where they sought refuge. Nellie was a high school teacher and experienced election canvasser while Leticia was a local poll watcher of the political party Kampi.”

Philippine Panorama, May 21, 2007




Bigyang-daan ang pagkabuhay
ng mga bagong bayani
mula sa mga katawang natupok.

Ang sabi’y may malas na dala ang balota,
At kung bakit sa dinami-dami
ng maaaring alagaan, ang mga ito pa ang pinili.

Malakas pa sa iyak ng sanggol
ang badya ng mga titik
na dito ay isinusulat.

Mahirap patahanin ang katotohanan

Katulad ng pagpapapatay
ng mga unang propeta
sa mga sanggol na lalaki,

tangka ring patayin ang tinig ng balota;
sinunog nang buo upang walang matira.
Sa pait ng pag-aalala, nanatili sila.

Sa apoy na bumuga,
mas tumindi ang kapit ng pakikibaka,
habang humahagulhol ang isang bayan.

May nabuhay muli na mga bayani
Pagbubunyi o pakikiramay?

Labis na ikakalugod ng marami
kung di kayang matupok
ang karapatang binantayan ng mga sawi,

Hindi pabuya, parangal o pagbubunyi
kundi dugo ng sariling tagapagbantay
ang nakatadhanang alay sa pananagumpay.

    Sign guestbook   < Page 14 | Page 12 >

Webmasters, Click here to get a free guestbook!    

Remove all the advertisements
from this guestbook!

- LIMITED OFFER -




  Please report if this guestbook contains illegal or offensive content.