Sign guestbook  
Sign up for ShoeMoney's FREE 12 weeks Internet Marketing course
140. karlito monterosa - 2007-10-14 03:06:55
sa akong atubangan
mga batang dili mapugngan
sa paghalungkat sa basurahan

sa dihang akong gitanaw
kalit midagan, nahanaw
dala ang sako sa kagutom ug kauhaw

samtang sa sulod
niining restaurant nga aircon
lami ang among kaon

139. karlito monterosa - 2007-10-14 03:00:09
sulat kayo sa email

138. Alexander Martin Remollino - 2007-10-13 06:50:18
MAPAGKUPKOP NA KABUNDUKAN
Alexander Martin Remollino

Mapagkupkop na kabundukan, kalingain mong lagi
ang kinakalyong mga talampakang dati’y kasabay ng araro
sa pagsuyod sa kabukiran,
at ngayo’y sa mga dalisdis mo nakatagpo ng kanlungan.

Siya’y isang magsasakang ang bukid na minana
sa kanyang mga ninuno
ay binakuran ng mga titulo’t kasulatan
ng maninipis na kamay na kailanman
ay di man lamang humawak ng lupa.
Isa itong pagnanakaw, isang kasalarinan
ngunit ang mga baril ng mga alagad ng batas
na dapat dumakip sa lahat ng kawatan
ay sa kanya itinutok,
sa kanya itinutok.

Ang mga dalisdis mo ngayon ang kabukirang tinatahak
ng kanyang mga paa,
at ang kanyang araro’y hindi na araro
kundi baril.
Ikaw ang huling lupang maaaring paghasikan
ng napakarami’t dumaraming katulad niya,
mga magbubukid
na pinagbawalang mabuhay.

Kalingain mo siyang lagi, mapagkupkop na kabundukan --
kalingain mo siya
na ang bawat punlong ihasik
ay bunhi ng isang bukas
kung kailan ang lahat ng iluwal ng kabukiran
ay ukol sa kanya
pagkat ukol sa lahat.

137. SINAGBAYAN - 2007-10-12 10:26:37
KARET AT MASO
kolektibong sinulat nina Elfrey Vera Cruz | Lioneil dela Cruz | Katherine De Leon | Kristine Joy Rementilla

Umuusbong, sumusungaw,
Tumutubo ang damong umaagaw sa lakas
Nating nabubuhay sa lupa,
Kinakain ang tanging
Pinagmulan ng enerhiya,
Papalaki na nang papalaki
Ang damong lumalamon
Sa ating kabuhayan.

Hawakan mo ang karet
Tabasin ang damong
Sumasakop sa lupang
Buhay ang dulot

Pinupukol, bumubukol,
Sumisira ang batong
Inihahagis sa atin
Dinudurog ang mga karapatang nagtataguyod ng
Ating kasaysayan at pinagmulan
Palaki ng palaki ang
mga batong dudurog
At magbabaon sa atin
Sa kailaliman ng pagkalugmok

Hawakan mo ang maso
Na dudurog sa mga batong
Pabigat sa ating matiwasay
Na paglalakbay

Pagsamahin ang karet at maso,
Pag-isahin ang lakas
Tabasin ang kahirapan
Durugin ang pagpapahirap
Alisin ang mga hadlang
Para masilayan ang papapulang
Araw sa silangan

136. SINAGBAYAN - 2007-10-12 10:25:06
Toll on Paradise
alay kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno
kolektibong sinulat nina Bobbie Escueta | Carlos del Rosario | Kim Manabat | Gilbert Kintanar | Raymund Madali | Arcee Escudero
SINAGBAYAN’s Alternative Classroom Learning Experience 2007;
Kuliling sa Pandinig; Palihan sa Paglikha ng Awit
Kasama si Bobby Balingit, makabayang rakista, guro, pintor, manunulat, bokalista ng THE WUDS
Setyembre 4, 2007 UP Vargas Musuem

Tell me it’s not true
Did they put a toll
on paradise
Say it’s not true
Our minds should
not have to pay
Our wallets should
not have to burn
KNOWLEDGE AND
PARADISE SHOULD
NOT HAVE A PRICE

" target=_blank>135. Trina Federis - 2007-10-11 08:04:46
“Sagot sa kahirapan,
Pun-de-sal at Nutri-slice!”


Nakita ko ito na naka-paskil sa
gilid ng isang truck sa Naga City, Bicol.
Napa-isip ako. Ang galing!
Kakaibang perspektibo!
Napaka-moderno!

Kung gayon, ano kaya ang ipinahihiwatig nito;

Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
kaya ang kailangan upang
mabili ng magsasaka ang lupang
kanyang sinasaka?

Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
ang kailangan upang makapagtayo
ng barung-barong ang isang pamilya?

Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
ang kailangan ng manggagawa upang
maitaas ang sahod niya?

Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
ang kailangan upang maisalba ng isang magulang
ang anak niyang babae sa kahalayan?

Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
ang kailangan upang matugunan ang
gastusin sa pag-aaral sa isang magandang
paaralan?

At higit sa lahat;
Ilang Pun-de-sal at Nutri-slice
ang kailangan upang ang hinaing
ng Sambayanan ay marinig,
mapakinggan, at
matugunan?

" target=_blank>134. Trina Federis - 2007-10-11 08:01:24
Asukal
Para sa mga manggagawa ng Hacienda Luisita sa Tarlac

Nung bata ako, ang akala ko sa
asukal
ay matamis na bagay na binubuo
ng matatamis na mga butil.
Pinatatamis nito ang kahit ano, kaya
kahit na masira ang ngipin ko,
patuloy pa rin ako sa pagtangkilik nito.

Ngayon ko lamang naintindihan na hindi
ganoon kasimple ang
asukal.
Ito’y binubuo rin ng hindi natupad na mga
pangako, pakikipaglaban para sa karapatan
na sinusuklian ng dahas, at hindi
makatarungan na sahod para sa
kalunos-lunos na trabaho.

At ngayon ko lang din naintindihan
na nagiiba-iba ang lasa ng asukal;
minsan maalat dahil sa luha,
minsan mapait dahil sa dugo.

133. Randy Evangelista - 2007-10-11 05:08:22
Halik at Higanti ng Lupa

Sinabi mong ako ay iyo
Ikaw na anak ng unang tao
Na dumuro sa kaibigan kong hubad,
Nakayapak at sunog ang balat
Sa walang sawang pag-aruga sa akin
Mula sa pagbisita ng araw at ulan
Kahit sa agaw-dilim
Hindi nagmaliw na ako’y pakainin
At pawiin
Ang natutuyo kong lalamunan
Sa malaong pagkatigang
Nagbudbod ng biyayang usbong
Palalaguin hanggang pagyabong
Sa kapakinabangan ng katulad niyang
Umaasam sa aking pagpapaubaya
At masaganang pagpapala

Ikaw na nagbitbit ng pahina
Nagwasiwas ng kontrata
Na magtatali sa akin sa iyong dikta
Sa makasarili mong pagpapasya

Ikaw na kaulayaw ng mga dayo
Na dumurog sa kaibuturan ko,
Nangwasak sa aking likas na anyo,
Nagnakaw sa aking yamang tago

Ikaw na nagdulot ng aking pagkasawi
Halikan mo ako

Halikan mo ang bawat tipak ng aking mukha
Hanggang sa sandaling angkinin kita
Anim na piye sa aking kailaliman
At, sa wakas,
Makapiling ng mga uod
At magsilbi kahit nabubulok
At sa akin ay magpapataba

132. maya - 2007-10-11 03:32:32
Wala ng dadaig pa
sa kanilang taktika,
At sa kabila ng kahihiyan
alam kong gaya ko,
ikaw din ay biktima...
Hindi man nagawang mangmang
napasuko naman tayo sa
kalam ng tiyan at
sa kawalang-katiyakan.

Simpleng-simple lamang...
nilunod ang mahirap nang
sambayanan sa higit pang
kahirapan.
Ang disenteng pamumuhay
ay itinali sa patpat
taas-baba habang pilit nating inaabot...
gayong hindi naman talaga ibibigay.

Kahit tayo’y itinali...
sa pag-aalala kung paano ba
maitatawid ang gutom sa maghapon
ng kakarampot na kinitang barya.
Paano na nga ba?

At imbes na makilahok,
nagkasya na lamang panuorin
ang mga welga sa telebisyon,
kasabay ng balita tungkol sa
nawawalang aktibista.
Ang sabi sa sarili...
"masyado nang abala sa hanap-buhay,
saan pa huhugot ng panahon para
makisigaw sa lansangan?"

Ngunit sa huli masakit palang mabalikan...
ang nawawala palang tibak
na akala’y dinukot mag-isa ay
may kasamahan pa palang dalawa.
At ang isa pala dito’y
kakilala, kaibigan, kapamilya...
Paano na...
Paano na nga ba?

131. maya - 2007-10-11 02:22:51
"smoldered"
-maya

why does man wakes up
realizing he holds
so less
of what he deserves?

was it because
the world had drowned
in so much hunger
that everyone
struggles to hold
what they thought is theirs?

those who played fair
are the one’s who lose.

and each night
they weep, shiver,
staring blankly
at the
few fallen crumbs
in their hands.

    Sign guestbook   < Page 15 | Page 13 >

Webmasters, Click here to get a free guestbook!    

Remove all the advertisements
from this guestbook!




  Please report if this guestbook contains illegal or offensive content.